Sharon nasarapan sa ensaymada ni Janice

SUPER-touched si Sharon Cuneta sa gesture ni Janice de Belen.
Ibinalita ni Sharon, sa pamamagitan ng Instagram, na binigyan siya ng ensaymada ni Janice.
“Janice very thoughtfully gave me these ensaymadas at shooting the other day,” aniya.
Ang kanyang hatol: “OMG- they are some of the very best I have ever tasted!!! Thanks so much again, Neesy!”
“Happy you enjoyed them,” sagot ni Janice.
Magkasama sina Sharon at Janice sa Kapamilya teleserye na “Saving Grace.”
Matatandaan na bago naging magkarelasyon sina Sharon at Gabby Concepcion noong early 1980s ay naging magkasintahan sina Janice at ang aktor.
Nagsimula ang relasyon nina Gabby at Janice noong 1982. Nang mag-break sila, nagkamabutihan naman ang aktor at Sharon.