Sharon nakauwi ng Pilipinas; humingi ng dasal

NAKABALIK na ng Pilipinas si Sharon Cuneta makaraan ang dalawang buwan na bakasyon sa US.


Sa kanyang mga post sa social media, sinabi ni Megastar na noong Agosto 1 pa siya nakauwi ng bansa at kasalukuyan siyang naka-quarantine.


“Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me,” aniya.


Idinagdag ng aktres na bagaman masaya siya at nasa Pilipinas na siya, marami pa rin siyang pinagdadaanan kaya humihingi siya ng dasal sa publiko.


“Kahit talaga anong tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema. Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely. Lilipas din lahat ito,” dagdag niya.


Noong Mayo ay umalis ng bansa si Sharon dahil kailangan umano niyang makahinga. –A. Mae Rodriguez