UMAASA si Sharon Cuneta na hindi lang pampelikula ang tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Sa isang panayam, sinabi ni Sharon na masaya siya kung makakatuluyan ng “anak” niyang si Alden si Kath.
“Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa. Alam mo naman si mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin!” sambit niya.
Bagaman kinikilig sa dalawa, inamin ni Sharon na nahihiya siyang tanungin si Alden ukol kay Kathryn.
“Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya…Nahihiya akong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’ Pero nag-message ako sa kanya: ‘Anak, kung totoo ‘yan napakasaya ko!'” sey ng Megastar.
Matatandaang nakasama ni Sharon ang dalawa sa magkaibang pelikula– si Kath sa “Three Words to Forever” at si Alden sa “Family of Two.” Sinabi ni Sharon na mabuting tao si Kathryn.
“She’s so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, she’s one of the best people I’ve ever met,” wika niya.
“And then Alden, the same. The very same words. So, I cannot contain my excitement!” dugtong niya.