Shaira Diaz, EA Guzman nagre-ready na sa kasal

SINIMULAN na ng celebrity couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman ang paghahanda sa kanilang kasal na nakatakda sa 2026.

Sa Instagram, shinare ni Shaira ang isang black and white video nila ng kasintahan.

“[A]nd so the wedding preps have officially begun…” ani Shaira sa caption.

Shinare ni EA ang post ni Shaira na nilakipan ng mensahe sa girlfriend “Mahal na mahal kita.. ang saya saya ko Baba,” sabi ng aktor.

Matatandaan na nitong February ay opisyal na inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement bagaman engaged na sila noon pang December 2021.

Bago ito ay isiniwalat ni EA na nananatiling virgin si Shaira sa kanilang mahigit isang dekada na relasyon.