SB19’s Stell: May issue ba tayo pag maging bakla ako?

HINDI naiinsulto si SB19 member Stell Ajero kapag inuurirat ang kanyang gender ng mga netizens.

Aniya sa interview ni Boy Abunda: “Di ko nga rin po talaga maintindihan kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yung ganong klaseng bagay?”

“For example lagi po akong natatanong o lagi pong nagiging issue sa akin ‘yon and I don’t mind na kung if ever man isipin nila na ganon. Kasi if ever man na ganoin ako, what’s the problem? So if ever na ganoon ako, ano’ng problema? So may issue ba tayo if for example maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin,” dagdag ng P-pop star.

“Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas naman tayong kumakain, pare-parehas naman tayong dumudumi. So I don’t think mayroon kang kinalaman sa akin,” wika pa niya.