Sarah Lahbati heartbroken sa pagpanaw ng sis-in-law

ISINAPUBLIKO ng aktres na si Sarah Lahbati ang kanyang pangungulila sa pagkamatay ng hipag niyang si Alexa Uichico, asawa ng bayaw na si Elvis Gutierrez.

Sa Instagram, shinare ni Sarah ang ilang larawan nila ni Alexa na tinawag niya na “sestra.”

“I can’t wrap my head around…why…why…too soon Lex. It’s not fair,” caption ni Sarah sa isa sa mga larawan.

“Forever in my heart…my sestra i love you,” aniya naman sa isa pa.

Sumakabilang-buhay si Alexa nitong July 27 sa edad na 37.

Si Sarah ang estranged wife ni Richard Gutierrez, kapatid ni Elvis.