INIREKAMO ng young actor na si Sandro Muhlach sa National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong netizens na nagkakalat ng fake news ukol sa kanya sa Facebook at X/Twitter.
Ipinasa ni Sandro sa NBI Cybercrime division ang screenshots ng 100 posts ng mga aniya ay pambu-bully sa kanya ng tatlong netizens.
Ang mga posts ay may kaugnayan sa isinampa niyang reklamong rape through sexual assault laban independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon sa NBI, ang mga ebidensya ang gagamitin nila para makilala ang mga nasa likod ng dummy Facebook at X accounts.
Kaugnay nito, umapela sa publiko ang lolo ni Sandro na si Alex Muhlach na respetuhin ang privacy ng apo.
“The online harassment and bullying he has been subjected to are only worsening his condition. Sandro needs our compassion and support as he works towards recovery. We appreciate your understanding and respect for his journey towards healing,” ayon sa matandang Muhlach.