Sandro Muhlach nagsimba sa Cebu

IBINAHAGI ng young actor na si Sandro Muhlach ang mga larawan ng pagbisita niya sa Cebu City kamakailan.

Dalawa sa pinuntahan ng anak ni Niño Muhlach ang Basilica Minore del Sto. Niño at ang Magellan’s Cross.

Bumuhos ang pakikisimpatiya ng publiko kay Sandro, na kamakailan ang nagsampa ng reklamong rape through sexual assault laban sa dalawang writers ng GMA-7.

Ilan naman ang nakapansin na tila namayat si Sandro.

“That is perfect! To divert his attention to something that is good.”

“Better po talaga gumala siya kasi kung magstastay lang siya sa bahay mas matritrigger po yung depression niya.”

“May God be with you and give you justice.”

“He’s pale and has a sickly pallor. You are in our thoughts and prayers, Sandro. Tibayan mo loob mo. Madaming-madami kami on your side.”

‘Namayat na siya. Kawawa naman. Laban lang Sandro! Laban lang.”

***
Sundan ang Pinoy Publiko sa Facebook @https://www.facebook.com/PinoyPubliko