LUMUTANG nitong Miyerkules sa National Bureau of Investigation (NBI) ang young actor na si Sandro Muhlach para sa kanyang behavioral therapy session.
Ani Sandro, kailangan ang mga sesyon para ma-evaluate ang kanyang mental health.
“Right now I can’t say I’m okay. ‘Yung totoo, I am not okay. Nandito ako sa NBI kasi I’m having my evaluation sa behavioral science division. It’s the therapy for myself and for my mental health. May anxiety ako, hindi ako nakakatulog,” aniya.
Hindi naman siya nagkomento sa ginawang tahasang pagtanggi nina Richard “Dode” Cruz at Jojo Nones na minolestiya siya ng mga ito.
Ani Sandro, sa korte na lang niya haharapin ang dalawang independent contractors ng GMA-7.
Matatandaang isinapubliko ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na malakas ang ebidensya laban kina Cruz at Nones base sa ginanap na executive session.
“We cannot yet divulge the details of the executive session, but Senators Padilla, Poe, and Bato agreed that there is strong evidence against these two gentlemen,” ani Estrada
“We will withhold the information until the National Bureau of Investigation’s evidence is turned in,” dagdag niya.