KLINARO ng young actor na si Sandro Muhlach na naganap ang taping niya para sa Kapuso game show na “Family Feud” noong nakaraang July 11, mahigit isang linggo bago nangyari ang umano’y panggagahasa sa kanya ng mga independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
Bilang patunay, inilabas niya ang larawan na kuha sa nasabing show na may petsa at oras na “July 11 1:39 P.M.”
Ginawa ni Sandro ang pahayag bunsod ng natatanggap niyang puna mula sa ilang netizens na sinabing tila naka-move on na siya sa traumatic experience mula sa kamay ng dalawang writers.
Sey ng mga bashers: Di ba trauma siya? Bakit mag-guest pa sa GMA show!”
“Anong update sa kaso, bayad na ata kaya tahimik.” “Case dismissed na.” Ayon kay Sandro, hindi siya na-inform kung bakit hindi agad nailabas ang guesting niya sa show.
“Hindi ko rin po alam. Nagulat nga din po ako na ang tagal ng airing,” sabi niya.
Kaugnag nito, nagpakita ng suporta ang mga tagahanga ni Sandro sa mga negatibong komento rito ng mga bashers.
“Ano ine-expect n’yo magmumukmok lang siya sa bahay nila feeling sad boy o kaya ay feeling depressed?”
“Mas masama kung yung 2 akusado ang makita mong maglaro at nakuha pang magsaya.”
“Ano masama sa guesting sya? Dapat ba lagi nlang syang depressed? Wla sya karapatan makaramdam ng saya o makipagsocialized?”