Sandro Marcos, sexy actress-singer ang GF

OUT in the open na ang sinasabing relasyon ni Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos ang relasyon nito sa isang sexy actress and singer na si Alexa Miro.

Sa isang column sa Pilipino Star Ngayon, inamin ng aktres na she’s dating the soon-to-be Ilocos Norte representative and presidential son.

Maging si Sandro ay meron ding pag-amin nang tanungin ni Bacoor City Rep. Lani Mercado na ang girlfriend pala nito ay taga Bacoor.<br><br>Bagamat walang binanggit na pangalan, kumalat ang balita na si Miro nga ang tinutukoy nito dahil residente ito ng Bacoor.

Ayon sa column, noong isang taon pa umano nagde-date ang dalawa, ngunit nagpasyang ilihim lamang ang kanilang relasyon.