Site icon Pinoy Publiko

Sam Milby kinumpirmang ‘wala na sila’ ni Catriona Gray; Moira out of the picture

NATULDUKAN na rin ang mga haka-haka tungkol sa relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray matapos kumpirmahin ng aktor na hiwalay na nga sila ng dating Miss Universe.

Sa exclusive na report ng ABS-CBN, sinabi ni Sam na hiwalay na sila ni Cat, ngunit wala umanong third party, at maayos naman daw silang dalawa.

“There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared,” ayon kay Sam.

Una nang kumalat ang mga tsismis na nali-link diumano ang aktor sa singer na si Moira dela Torre.

“There is no truth to it at all. It makes me sad. May babala ako sa mga tao. Please mag-ingat kayo sa mga nakikita niyo online. If there’s no evidence, huwag niyong paniwalaan yung nakikita niyo because in this incident, there’s absolutely no truth to it at all,” dagdag pa ng aktor.

Wala pang reaksyon ang beauty queen sa naging pahayag ng kanyang ex.

Noong Pebrero 2023 ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement. Pebrero naman noong nakaraang taon nang magsimula ang mga chika na hiwalay na ang dalawa.

Lalong uminit ang balita nang alisin ni Cat sa kanyang Instagram ang kanilang engagement photos.

Exit mobile version