Sakaling makasalubong, Carla hindi babatiin si Tom

HANDA si Carla Abellana na makaharap ang ex-husband na si Tom Rodriguez pero hindi niya ito babatiin o kukumustahin.

Sa isang panayam, sinabi ni Carla na malaki ang posibilidad na magkasalubong sila ni Tom dahil iisang network lang ang kinabibilangan nila.

“Nasabi ko naman na kung sakaling mangyari ‘yon, ready naman ako. Hindi naman kailangan na parang preparation or anything. ‘Pag nangyari, ‘di ba, nandiyan siya sa harapan,” sambit ni Carla.

Gayunman, inihayag niya na hindi niya kikibuin ang dating asawa.

“Hindi. I don’t see the need na bumati. Ready ako kung sakali,” wika ng aktres.

“Hindi naman ako ‘yung iiwas or magtatago. Hindi rin naman ako ‘yung parang friends tayo ulit? No!’

Idinagdag ni Carla na hindi pa siya handa na makasama sa project si Tom.

“I don’t think I’m ready to work with him anytime soon. Kumbaga, rerespetuhin ko ‘yung space niya, ‘yung trabaho niya, ‘yung buhay niya. I have my own. Mahirap na nga to focus on my own life and career. So, ‘yun lang ang focus ko,” sabi niya.