Site icon Pinoy Publiko

Sa gitna ng breakup rumors: Tom nag-‘I love you’ kay Carla

NAPA-COMMENT ang actor na si Tom Rodriguez sa isang recent picture ng asawang si Carla Abellana.

Ito ay sa kabila ng breakup rumors sa pagitan ng mag-asawa ilang buwan matapos ang kanilang kasal.

Hindi naman nag-reply si Carla sa comment ni Tom.

Nagsimula ang espekulasyon ng kanilang hiwalayan matapos i-unfollow ng mag-asawa ang isa’t isa sa Instagram.

Mayroon ding mga cryptic posts ang dalawa sa kani-kanilang mga personal accounts.

Nagtuloy-tuloy ang espekulasyon nang mapansin ng fans sa isang vlog ni Carla na hindi na niya suot ang kanyang wedding ring.

Matatandaang kinasal ang dalawa noong Oktubre 2021 sa Batangas.

Exit mobile version