KINUMPIRMA ng abogadong si Mary Louise Reyes na may warrent of arrest din ang kliyente niyang si Rufa Mae Quinto.
Sa report ng “24 Oras” ngayong Lunes, sinabi ni Reyes na nahaharap nga sa 14 kaso ng paglabas sa Section 8 ng Securities Regulation Code si Rufa Mae at may warrant of arrest dito.
Ito ay may kinalaman anya sa isyu ng Dermacare, na siya ring dahilan kung bakit nakakulong ngayon ang kapwa aktres na si Neri Naig.
Pero ayon kay Reyes, walang kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanyang kliyente.
Ayon kay Reyes boluntaryong susuko si Rufa Mae para rin makapaglagak ng piyansa.
“She will face those charges… mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” dagdag pa ng abogado.