RR Enriquez sa BINI: Magpasalamat kayo tinatangkilik kayo ng publiko

KUMAMBIYO ang self-confessed “Sawsawera Queen” na si RR Enriquez sa opinyon niya sa P-pop group na BINI makaraang magsuot ng Jabbawockeez-inspired outfit ang mga miyembro nito sa airport patungo ng General Santos City.

Bago ito, todo-tanggol si RR sa BINI members sa pagma-mask ng mga ito sa Cebu City noong isang linggo.

Hanash ni RR sa Facebook:  “Ipinagtanggol ko pa naman kayo as a Sawsawera with a heart because I can see that your intentions was pure during that time na nag soot kayo ng masks sa airport! Kasi baka pagod at puyat kayo.

“But wearing this kind of mask and outfit para mang asar is so low. Whoever is handling you guys did not handle the situations right CHERET!!”

Naniniwala naman si RR na “kinunsinti rin ng manager ng BINI ang attitude na ganito.”

“Because hindi naman magsusuot ang BINI ng ganyan kung wala naman nag utos sa kanila. Instead of addressing the issue and explain it sa mga mga tao eh nang asar pa kayo,” dagdag niya.

Hirit pa ni RR, hindi lahat ng nadismaya sa get-up ng grupo ay mga bashers.

“Baka mga fans din na umasa makakapagpa picture sa inyo sa airport then nakita kayong naka mask kaya naging issue,” sabi pa niya. Payo niya sa grupo: “You should be grateful that people wants a piece of you!

One day kapag hindi na kayo sikat you will miss the feeling pinagkakaguluhan kayo na may nakaka recognize sa inyo. Stay humble.”

Giit din ni RR, “honest opinion lang niya ito. “I don’t hate Bini as an artist. I hate the attitude towards the situation CHAR.”