Robin, BB Gandanghari bati na


UMAAYOS na ang relasyon ng magkapatid na Robin Padilla at BB Gandanghari.


Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ni Robin na nag-uusap na sila ng kanyang kapatid matapos sumakabilang-buhay ang kuya nilang si Royette kamakailan.


“Bumabalik na sa dati kasi medyo maraming paandar si BB na nagulat kaming lahat e. Tumambling kami lahat nang tatlong tambling. Ano bang nangyari dito?” ayon sa aktor. “Pero okay na ngayon. Mula nung namatay si Kuya Royette nag-usap na kami.”


Sinabi ni Robin na marami ring naganap na buhay ni BB.


“Sabi ko, ‘Tol ano bang nangyari?’ tapos namatay pa yung aso niya, di ba? Namatay yung aso niya e parang anak niya ‘yun. Kaya ngayon solo siya,” kwento niya.


Noong 2020 ay tinawag na ipokrito ni BB si Robin nang sabihin ng huli na mahal siya ng kanilang pamilya at hindi siya nakakalimutan makaraan niyang isiwalat na hindi na siya kinakausap ng mga Padilla.–A. Mae Rodriguez