Robi Domingo naiyak sa birthday: I want Maiqui’s sickness to be gone 

MAY isang hiling lang ang Kapamilya host na si Robi Domingo sa kanyang ika-35 kaarawan: ang gumaling ang asawang may sakit.

Sa Instagram, nag-post si Robi ng dalawang video na kung saan ibinahagi niya ang kagustuhan na magkaroon ng anak sa asawang si Maiqui Pineda.

“I’m having some birthday blues, some people say it’s time na nararamdaman mo nang ‘okay tumatanda ka na’ but also it’s a time na puwede kang mag-reflect sa buhay mo and that’s what am I gonna do right now,” panimula ni Robi.

“My plan in the next five years is to be a better house-band and husband and hopefully next year when the Lord permits it and when her condition permits it, depende sa clearance ng doctor, I hope to introduce you to a baby Robi as well or baby Maiqui or why not twins, him her,” dagdag niya.

Sey ni Robi, handa na siyang ibuhos ang lahat para sa kanyang magiging anak. “Alam mo ‘yung may plano ka dati, especially I’m a man with a plan all the time, talagang nakaayos iyan. But last year, was really a blow and questioned me ‘Ano ba ang nangyayari, ano bang mangyayari’ especially with Maiqui and then nakakasa na ako na by this year, actually by this month, sana mayroon na akong anak ‘di ba? And it happened, it’s hard,” pahayag niya.

Sa kabila ng kondisyon ng asawa, umaasa si Robi na magiging ama rin siya. “Maybe it’s not time yet, not yet.

But I am hoping na mangyari ‘yun,” sabi niya. Kaya ang kanyang birthday wish: “I want Maiqui’s sickness to be gone so we can go back to our original plan and it’s my wish for my birthday. It’s not for me anymore.” Matatandaang isinapubliko ni Maiqui nitong taon na mayroon siyang rare autoimmune disease. Ikinasal sina Robi at Maiqui nitong January sa Bulacan.