Ritz Azul kasal na sa non-showbiz boyfriend

KASAL na ang aktres na si Ritz Azul sa kanyang non-showbiz at first boyfriend na si Allan Guy.

June 2020 nang inanunsyo ni Ritz na engaged na sia sa kanyang BF.

Chika pa ni Ritz na hindi mataas ang standards niya pagdating sa mapapangasawa.

“Hindi naman mataas ang standards ko. Gusto ko lang ‘yung genuine, may respect, God-fearing, more on sa loob. Hindi ako masyado tumitingin sa physical,” chika ni Ritz.

“Para sa akin, it’s a responsibility. Kapag pinasok mo na ‘yun, kapag nandoon ka na sa phase na iyon, doon na halos iikot ang buhay mo. Para sa akin, iisa na kayo.”

“Hindi kasi ako familiar sa boyfriend and girlfriend relationship. Mas na-open ‘yung mind ko sa kung ano ‘yung tinuturo ng papa ko sa akin. Hayaan mo siyang manligaw kung gusto niya talaga. Tignan natin kung genuine siya sayo. Kasi kapag dumating yung tamang panahon, ‘yun na.”