INALALA ng veteran actress na si Rita Avila ang 18th birthday ng yumaong anak na si Elia Jesu nitong Linggo, November 10.
binahagi ni Rita sa Instagram ang ilang larawan ng mga pagkain para sa kaarawan ng anak na namayapa ilang linggo lang makaraang ipanganak.
“Para sa 18th bday ni Angel Jesu, nagluto ang Ate Kate nya ng Kare-Kare, nagpabili ang Itay FMR nya ng pancit Palabok, nagpadala ang kanyang Tito Ovel at Tita Heidi ng pancit Canton, nag-order kami shempre ng masarap na crispy Pata k Papa Ovel. Gumawa ako ng Tocino Spaghetti. (wala lang pic),” caption ni Rita.
“2 pancit noodles + spaghetti noodles = siguro naman sobrang long life ang angel natin ano? Hehehe,” dagdag niya.
Sa hiwalay na post, shinare ng aktress ang litrato ng urn ng kanyang panganay.
“Today marks the 18th birthday on earth of my angel son, Elia Jesu. Nu’ng itinabi ang urn ng mom ko sa urn niya sa crypt, napaka-CUTE pala sa liit ng urn!” bahagi ng kanyang caption.
“Marahil ay lutang ako nu’ng inilibing noon si Jesu kaya hindi ko maalala. Ngayon, lutang na ako sa saya dahil pribilehiyo ang magka-anak ng tunay na anghel sa langit,” dagdag-mensahe ng aktres.