Rico Blanco magsasalita kaya?

ITO ang tanong ng publiko makaraang akusahan ang kanyang ex-girlfriend na si Maris Racal at ka-love team nito na si Anthony Jennings ng pagtataksil ng dating kasintahan ng huli na si Jam Villanueva.

Nananatiling tahimik ang kampo ni Rico habang pinagpipiyestahan ng mga marites ang mga nakakakiliting palitan ng mensahe nina Maris at Anthony na isinapubliko ni Jam.

May ilan namang naniniwala na mukhang wala namang balak dumagdag sa ingay si Rico para hindi na madiin nang husto ang kanyang ex-girlfriend.

Ayon sa isang supporter ni Rico, kahit noong nakipag-break ang musikero sa aktres ay walang narinig ang publiko mula rito.

“Even after his breakup with Maris Racal, he never spoke ill of her or exposed her, no matter what happened.

“Instead, he chose to protect her and rise above with grace and dignity.

“Blanco’s actions have resonated deeply, especially in an era where public figures often face intense scrutiny and criticism.

“By refusing to add fuel to the fire, he has demonstrated a rare commitment to handling personal matters privately and with dignity,” ayon sa fan.