Richard, Barbie spotted sa South Korea

LALONG lumakas ang ugong na may namamagitan kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial makaraan silang mamataan na magkasama sa South Korea kamakailan.

Ngayong araw ng Linggo ay nag-viral ang mga larawan ng dalawa, na ipinost sa Facebook ng isang Grace Yang, habang naglalakad sa Seoul.

Hindi ito ang unang beses na nakitang magkasama si Barbie at ang estranged husband ni Sarah Lahbati.

Noong January, naispatan ang dalawa na magkatabi sa Tipsy Pig sa Alabang.

Ayon sa mga saksi, todo ang pag-alalay ni Richard kay Barbie na kahit nang pumasok sa banyo ang aktres ay nakabantay sa labas ng pinto ang aktor.

Noong March, nag-share ng photos sa social media accounts ang dalawa na tila kuha sa iisang resort.