Ricci nagpakain sa birthday

NAGSAGAWA ng feeding program sa Los Baños, Laguna ang basketbolistang si Ricci Rivero sa kanyang kaarawan.

Ito ang ibinida ng kanyang girlfriend na si Los Baños Councilor Leren Mae Bautista, na siyang nag-organisa ng outreach sa Tadlac Elementary School.

Sa mga larawan na shinare ni Leren sa Instagram ay makikita si Ricci na nakikipag-usap at nakikipag-selfie sa mga bata.

“Feeding Program Anniversary!” sey ni Leren sa caption.

“Thank you for sharing your blessing again here in Los Baños. God bless you and your family. Happy Birthday!” dagdag ng konsehala.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang dalawa nang maispatan sila sa isang outreach program bago mapabalitang hiwalay na ang basketball player sa girlfriend nito noon na si Andrea Brillantes.

Makaraang itanggi ni Ricci na si Leren ang third party sa hiwalayan nila ni Andrea ay inamin nito ang relasyon sa konsehala noong October 2023.