Rica Peralejo ramdam ang kahihiyan ni Maris Racal

NAKARE-relate si Rica Peralejo sa pinagdadaanan ni Maris Racal na ipinahiya umano ng publiko dahil sa isyu na kinahaharap nito at ng rumored boyfriend na si Anthony Jennings.

Pahayag ni Rica, sa isang social media post, hindi niya kinakampihan si Maris pero alam niya isa itong malaking dagok sa personal na buhay at career ng young actress.

“Sa lahat ng ito ang nafeefeel ko ay extreme shame especially for Maris. Hindi ko sinasabing mali sya or tama kung sinuman but that I just know how it feels like to be once young and to do things that might not exactly be favorable in the public eye, I also have done foolish things, and I can just imagine na kung may naglabas nung mga yun at ng totoo kong ugali,” paliwanag ni Rica.

Dugtong pa niya: “Lalo na if medyo may potensyal na majudge ako ng mga tao, ay siguradong madadown ako kasi wata namang may gusto nun. Lahat tayo may mga sides satin na good, bad, etc, and nagkataon lang talaga na sikat sya kaya ang massive nung blow sa kanya. Kung tutuusin, sa mga kasamaan natin deserve din naman natin mapahiya in that scale, I bet. Ayun lang.”

Gayunman, iginiit niya na masama ang manloko ng kapwa.

“No brainer, cheating is a no-no. Walang universe ang pwede magexcuse nito. Also, ang dami kong mali sa buhay na nakakarelate talaga ako sa shame ni Maris sa pagkasama kong tao pero nakakarelate din ako na maloko tulad ni Jam,” sabi niya.