Ria Atayde, Zanjoe Marudo: Confirmed na!

Kinumpirma na ng actor na si Zanjoe Marudo ang relasyon nila ng aktres na si Ria Atayde.

“Yes, parang it’s out in the open naman na, so yes,” sey niya nang tanungin kung in a relationship na siya.

Pero aniya, wala pa isip niya ang pagpapakasal.

Matatandaang sinabi noon ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na dating stage na ang kanyang anak at ng aktor.

Makikita rin na nakakasama na rin ng pamilya ni Ria si Zanjoe sa mga family events.