Ria Atayde nanganak na

ISINILANG na ni Ria Atayde ang panganay nila ni Zanjoe Marudo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Zanjoe ang isang video kung saan makikitang inilalakad ng nurse ang bassinet ni “Baby M”.

Bago ito, inihayag ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na excited na siya sa pagdating ng apo.

“Hindi na ako nakakatulog dahil darating na ang aking little boss. Excited na talaga ako at every day tine-text ko si Ria, ‘Oh buntis, hindi pa ba sumasakit?’ Kasi ngayon na talaga ‘yon, anytime manganganak na talaga,” ani Sylvia.

Noong July ay isinapubliko nina Ria at Zanjoe na “boy” ang kanilang first baby. 

Ikinasal ang dalawa noong March.