Rhys Miguel inakusahan ng pangmomolestiya si Patrick Quiroz

ISINIWALAT ng young actor na si Rhys Miguel na minolestoya siya ng kapwa Kapamilya artist na si Patrick Quiroz sa lock-in taping ng Web series na “He’s Into Her.”

Sa Instagram video, ikinuwento ni Miguel, isang Pinoy Big Brother teen alumnus, ang mga ginawa umano sa kanya ni Quiroz.

“Kilala n’yo si Patrick Quiroz?” tanong niya sa mga fans bago isinalaysay ang pagiging pasaway ni Quiroz.

“Sa una wala akong problema sa kanya, pero binabastos niya mga babae na kasama namin,” aniya.

“Yung babae, may hawak na lollipop, tapos ‘yung sinasabi ni Patrick: ‘Wow, buti naman kasya ‘yung malaki sa bibig mo’,” dagdag ni Miguel.

Mas malala umano ang ginawa ni Quiroz sa loob ng kanila kuwarto sa lock-in taping nila ng ” He’s Into Her.”

Kuwento niya, nagising siya sa kuwarto kung saan kasama si Quiroz na nagkalat ang mga gamit na tissue paper.

“Noong natulog ako, ‘yung buong tabi ko, lahat ng tissues na ‘yan… had c*m filled with it,” dagdag ni Miguel.

Pero hindi pa roon natapos ang kuwento.

Ani Miguel: “After that, noong nagising ako—eto raw na raw ito, malambot ‘yung hotdog ko. Jin****l niya ‘yung lambot ng hotdog ko.”

Agad niyang hinabol si Quiroz na nagmamadaling lumabas ng kuwarto, pero itinago umano ito ng staff.

Paliwanag ni Miguel na ginawa niya ang rebelasyon para ikuwento ang kanyang side at “to spread awareness.”

Dagdag niya, hindi niya agad isinapubliko ang kanyang karanasan dahil tiyak ipatitigil ng kanyang ama ang produksyon at pagpapalabas ng “He’s Into Her.”

“If this came out, the series is over. But I kept going, I stayed strong for the series,” sabi pa ni Miguel.

Bukas ang PUBLIKO sa panig nina Quiroz at ng ABS-CBN.