Rhian Ramos nag-bake nang naka-bikini

HALOS lumuwa ang mga mata ng mga boys nang matunghayan ang mga pictures ng aktres na si Rhian Ramos na nagbe-bake ng cookies na tanging tube top at bikini bottom ang suot.


Ibinahagi ni Rhian ang mga sexy pictures niya sa Instagram na mayroon nang mahigit 150,000 likes.


“Can BAS BAKES be a thing? I’m really into cookies,” aniya sa caption.


Ilang mga celebrities ang hindi napigilang mag-comment.


“Grabiiiiiiii,” sey ni Carla Abellana.


“Mag hair net ka uy!” sabi naman ni Hayden Kho.


“Ay pwedeeee bb!” hirit ni Janina Manipol
–A Mae Rodriguez