Rhian Ramos na-hurt sa cheating accusation; SV tuloy ang demanda

BAGAMAT nasaktan at nainsulto sa akusasyon ng pandaraya sa New York Marathon ay hindi irereklamo ni Rhian Ramos ang kolumnista na nagpakalat ng umano’y fake news.

Pero para sa boyfriend ni Rhian na si Sam Versoza, na tatakbong mayor ng Maynila sa 2025, tuloy ang kaso laban kay Atty. Estrella “Star” Elamparo, opinion columnist ng isang broadsheet.

“I think kasi for me, in my own way I addressed it naman.I made sure to get a legitimate person from the actual marathon to verify,” sabi ni Rhian.

“For me, I just did not feel like I needed to. At that point, it feels like an insignificant piece of fake news,” dagdag niya.

Kamakailan ay inireklamo ni Sam ng cyber libel sa piskalya ng Maynila si Elamparo at mga vloggers na pumatol sa nasabing isyu.

“Marami nasaktan. Kung ako lang, okay lang. Pero pati mahal ko sa buhay, dinamay niya si Rhian. Kailangan ko pagtangol. Ayaw niya na lang pansinin, pero nasaktan si Rhian,” sabi ni Sam.

“Ayoko na sanang patulan pero dapat may tumindig laban sa mga tao na nagpapakalat ng paninira at fake news online,” dagdag ng negosyante.