Rendon, Rosmar hindi nagbayad sa Coron restaurant?

HINDI umano nagbayad sa mga kinainan na restaurants sa Coron, Palawan ang mga social media personalities na sina Rendon Labador at Rosmar Tan at ang Team Malakas.

Sa X/Twitter, isiniwalat ng netizen na si @marraroma na isa ang establisimento ng kanyang kaibigan ang kinainan ng grupo.

Aniya, maraming inorder na pagkain sina Rendon at Rosmar pero imbes na magbayad ay nagpa-sponsor ang mga ito.

“Friend ko yung owner ng isa sa mga kinainan nila here. According sa manager, magulo kausap yung coordinator nila. So ayun ang dami nilang order and saka nalang nainform na nagpapasponsor nung inabot na ang bill sa kanila. Even sa servers no tip,” sey ni @marraroma.

“If I’m not mistaken, lahat ng restaurants na kinainan nila dito sa Coron ay ‘sponsored’ (na sila ang nag desisyon). Yung sa friend ko, inabutan ng bill pero di nagbayad,” dagdag niya.

Matatandaan na idineklarang persona non grata sa Palawan sina Rendon, Rosmar at ang Team Malakas dahil sa ginawa nilang pambabastos sa isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Coron.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksyon ang grupo nina Rendon at Rosmar sa akusasyon.