TINANGGAP ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN makaraan siyang ihanay kasama ang iconic rapper na si Gloc-9 sa ilang mga “starlets” sa promotional photo ng katatapos lang na Myx Music Awards.
Bukod sa paghingi ng sorry ay pinadalhan din ng Kapamilya Network ng bouquet of roses si Regine.
“Thank you so much for the beautiful flowers again you guys didn’t have to but I appreciate it,” pahayag ni Regine.
Bago ito, kinastigo ng publiko ang ABS-CBN nang ilabas ng digital team nito ang poster ng nasabing music awards sa social media.
“Myx Global’s poster is downright insulting!To place Asia’s Songbird alongside starlets is a complete disregard for her unmatched legacy and artistry. She’s a legend, not a trend to be exploited for attention. This kind of disrespect is inexcusable! #RespectRegine Velasquez,” ayon sa isang netizen na inayunan ng iba pa.
Ipununto nila na maliban sa napakaliit ng picture ni Regine ay nasa dulo pa ito. Mas malaki pa anila ang larawan ng mga miyembro ng Pinoy pop group na BINI at ng Pinoy Big Brother winner na si Fyang Smith.
Hindi rin nagustuhan ng mga supporters ni Regine na mas nauna pa ang pangalan ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose kesa sa singer.
Agad namang tinanggal ng Kapamilya Network ang post saka nag-apologize kay Regine.
“Dear Ms. Regine.
“We would like to sincerely apologize he oversight in the promo material we released yesterday.
“We have deep respect and admiration for your craft remarkable contribution you have given the music industry.
“We will strive to do better moving forward. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
“Sincerely. ABS-CBN Digital Team.”