Rebelasyon ng theater actor: Toni nambato ng tissue na pinunas sa kilikili

AYAW tantanan ng mga intriga si Toni Gonzaga matapos siyang mag-host sa proclamation rally ng Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio.

Kamakailan ay lumutang ang theater actor at spoken word poet na si Mark Ghosn at ibinunyag ang dinanas niya umano kay Toni.

Kuwento ni Ghosn sa Twitter:

“OJT days sa SC, may mall show, hiniram ako ng SC sa dept namin kasi walang available na intern. Bilang idol ko siya at pinagtanggol ko pa siya sa paglipat niya, pumayag ako mag-asikaso.

“Naka stand-by siya kasi aakyat na sa stage, nag-smile ako, umirap.

“Iritable siya kasi namamasa kili-kili niya so nagpakuha ng tissue, inabot ko, walang thank you.

“Pinunas ang tissue sa kili-kili habang naiinip na tawagin kahit kararating niya pa lang naman.

“Inabot ko ang mic sa kanya, binato sa mukha ko ang tissue na galing sa kili-kili. Shookt ako.

“Nakita ng manager ko, ang sabi hayaan ko na lang daw, ganun daw talaga siya, masanay na lang daw sa showbiz.

“Pagsalang sa stage, nag-transform siya, ang bait bigla, todo ngiti.

“Inabutan ko ng poster sa stage, aba nag thank you, haha, parang hindi siya yung kasama ko sa likod kanina.”

Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Toni.