React, Kakai, react! Erich: Mario Maurer is a good friend


NI-REVEAL ni Erich Gonzales na best of friends pa rin sila ng kontrobersyal na Thai actor na si Mario Maurer.


Nagtambal sina Erich at Mario sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” noong 2012.


“Siyempre open tayo with that. Kakakausap ko lang sa kanya kanina, nagkumustahan kami,” chika ni Erich nang tanungin kung may pag-asa bang magsama silang muli sa pelikula ni Mario.


Dagdag niya: “Mario is a good friend. Nakakatuwa lang na kahit matagal na kaming nagkatrabaho sa aming movie ay nandoon pa rin ang communication, ‘yung friendship hindi nawala.”


Kasama ng dalawa sa “Suddenly It’s Magic” ang komedyanang si Kakai Bautista na kailan lang ay inutusan ng management ni Mario na tigilan na ang pagbabanggit sa pangalan ng Thai actor sa mga interview.