Radio talent, character actress Luz Fernandez sumakabilang-buhay

PUMANAW ang radio talent at veteran actress na si Luz Fernandez nitong Sabado, Marso 5, sa edad na 86.

Kinumpirma ito ng kanyang nakababatang kapatid na si Percie Zapata.

Nakilala si Fernandez bilang Lola Torya, ang host ng pambatang television fantasy show noong 1986 na pinamagatang “Ora Engkantada”.

Hindi rin makakalimutan ang kanyang pagganap bilang si “Luka” sa “Okay ka Fairy Ko” na noon ay pinagbidahan ng comedian na si Vic Sotto.

Malaki rin ang konrtibusyon ni Fernandez sa radio, matapos gampanan ang iba’t ibang papel sa radio drama.

Ang mga labi ng aktres ay nakahimlay ngayon sa Sapphire 1 ng Loyola Memorial Chapels sa Marikina City. Sa Miyerkules, Marso 9, 2022 ang kanyang libing.