Rabiya Mateo magtatayo ng punerarya

PANGARAP ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang makapagpatayo ng punerarya.


“Isa sa gusto kong business na itayo in the future is punerarya. Hindi naman natin hinihingi yun, di ba? That’s the cycle of life,” ayon sa beauty queen.


Pero imbes na ordinaryong punerarya lang, gusto niyang gawing maganda ang kanyang mga kliyente.


“Hindi ko kasi gusto ‘yung makeup ng patay sa probinsya. Parang feeling ko nilalagyan lang sila ng puting foundation at kinikilayan lang sila. Gusto ko magkaroon ng punerarya at gusto ko maganda yung makeup ng mga kliyente ko.” –A. Mae Rodriguez