Publiko nakisimpatya kay Cristine Reyes

ITINANGGI ng kampo ni Cristine Reyes na kaya ito umiiyak at nagmamadaling umalis sa Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal ay dahil sa hindi nagwagi bilang Best Supporting Actor ang kaibigang si Sid Lucero.

Ayon sa malalapit kay Cristine, nilayasan nito ang awards show dahil nagkaroon ng medical emergency ang inang si Francis Marie Klenk.

Hindi binanggit ng mga ito ang dahilan ng pagkakaospital ng ginang.

Sa Instagram story nitong Sabado ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina ay makikita na nakaratay sa ospital ang kanilang ina.

Sa isa pang photo ay makikita si Cristine na nakahiga katabi ng ina.

Bumuhos naman ng pakikisimpatiya sa pamilya nina Cristine at Ara mula sa publiko.

“Yan nman pala reason kaya siya umiiyal at ngmmdaling lumabas… hirap socmed ngaun judgemental.”

“May emergency naman pala kaya umiiyak palabas ng venue, yung iba makahusga wagas!”

“Speedy recovery for her mom. Mahirap talaga pag me family member na naco confine sa hospital. Ibang stress ang dala.”

“Nakakatakot naman talaga makakuha ng phone call na ang sasabihin sa iyo ay maysakit o naospital ang mahal mo sa buhay.”

“Maraming judgemental talaga.we are praying praying for your loving mother get well soon!”

“We are praying for the quick recovery of your loving mother.”