Publiko di na nagulat sa kumpirmasyon ni Willie na Coco, Julia may anak na

NAGPASALAMAT si TV host Willie Revillame sa mag-partner na Coco Martin at Julia Montes sa kanyang show na “Wil To Win” sa TV5.

Bukod kina Coco at Julia, nag-shout din si Willie sa mga anak ng dalawa.

“Coco, salamat ha. Mabait itong, sobrang bait ‘tong si Coco Martin,” wika ni Willie. “Coco, to Julia, at sa mga anak n’yo, pamilya mo, salamat, Coco. Yung time ng Holy Week magkasama tayo at sana dumating ‘yung time na mag-guest ako sa Batang Quiapo. Bibigyan lang kita ng jacket!” dagdag niya.

May ilang netizens ang nagulat sa pahayag ni Willie pero karamihan ay hindi naman nasorpresa. Sey ng fans: “Thank you for the confirmation Willie” “Open secret naman yan. Ang tanong eh 2 ba o 3 na?”

“Wala namang gag order sa status ni coco, julia & family. lalabas at lalabas din yan. much as they want their own private world, di puwede yan indefinitely cause we live in the real world.”

“Im really looking forward to the day they will share their family. Baka pag legal age na, yung kaya na nilang idefend sarili nila or mature enough na ang isip na di nadadala sa attention they will be getting, both positive and negative. Baka pg pinakilala star athlete na or graduate from a good school. Ganern. Im excited.

“Kunyare nagulat tayo.”

“Not secret. Ayaw lang nilang iduldol sa mukha ng publiko yung mga anak nila.’