Proud bobo here – Herlene Budol

INAMIN ng akttes at beauty queen na si Herlene Budol na mula noon hanggang ngayon ay bobo siya.

Sa panayam ni Ogie Diaz, isiniwalat ni Herlene na hindi muna siya sasali sa mga beauty pageants dahil mag-aaral muna siya para maging matalino.

“As of now po, magpo-focus po muna akong mas patalinuhin ang sarili. Mas mag-focus para po wala pong iniisip na ibang mga problema,” aniya.

“Dapat kapag sumali ka kasi dito, talagang buong puso po saka dedikasyon mo ibibigay mo nang buong-buo,” dagdag niya.

“Naging bobo ba noon si Herlene or naging slow?” sundot ni Ogie.

“Hindi po. Bobo po from the start hanggang ngayon bobo pa rin. Proud bobo here,” pagdidiin ng aktres at Binibining Pilipinas 2022 First Runner-up. Pero klinaro ni Herlene ang ibig sabihin ng bobo para sa kanya.

“Ang pagiging bobo ‘yung pagiging willing mong matuto halos araw-araw. At marami pa po akong hindi alam pagdating sa pageantry,” sabj ng “Black Rider” actress.