Priscilla hindi alam na hiniwalayan siya ni John?


ITINANGGI ni Priscilla Mireilles na “mutual decision” ang paghihiwalay nilang dalawa ng asawang si John Estrada.

Sa Instagram Story, sinabi ni Priscilla na nalungkot at nagulat siya sa mga pahayag ng aktor sa publiko.

Giit ng Brazilian beauty queen: “There was never any mutual agreement regarding our separation.”

“We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time,” dagdag ni Priscilla.

Tumanggi naman siya na isapubliko ang pinagkasunduan nila ni John ukol sa kanilang relasyon.

“Regardless of what those maybe, however, it won’t change the course of [fate],” dugtong niya.

Nagbabakasyon sa Brazil si Priscilla kasama ang kanilang anak. Nitong Martes ay inanunsyo ni John sa social media na nagkasundo sila ni Priscilla “to take a break.”

“There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love,” ani John.

Todo-tanggi rin ito na may ugnayan sila ni Lily Hallman na naispatan na kasama niya sa Boracay.

“I had a short break from work and felt the need for a breather,” wika ng “FPJ’s Batang Quiapo” actor.

Umapela rin siya sa publiko na huwag makisawsaw sa isyu. “This is a private family matter. That’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!” hirit ni John.