Pride March concert inulan, JK nalungkot

DISMAYADO ang singer-songwriter na si JK Labajo sa kanselasyon ng Pride March concert sa Quezon City Circle nitong Sabado ng gabi dahil sa walang-tigil na ulan.

Sa X/Twitter ay ibinahagi ni JK ang kanyang selfie na kalakip ang mensahe na, “malungkot na di nakapag perform sa lovelaban pride march. get home safe everyone.”

“Happy Pride Month,” dagdag ng singer.

Isa si JK sa mga artists na nakatakda sanang mag-perform sa event ngunit dahil sa lakas ng ulan ay hindi na itinuloy ang iba pang performance.

Sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Vice Ganda na cancelled na ang mga performance dahil sa walang tigil na ulan.

Mas mahalaga, ani Vice, ang seguridad at kapakanan ng mga taong nasa event.