Pops: Wala kaming away ni Zia Quizon

ITINANGGI ni Pops Fernandez na mayroong bad blood sa pagitan niya at ni Zia Quizon, ang daughter nina Dolphy at ZsaZsa Padilla na ex-boyfriend ng anak niyang si Robin.

Kamakailan ay ikinasal si Zia sa fiance nito sa Serbia. Nag-post siya ukol sa wedding at isa si Pops sa mga bumati sa bagong kasal.

Pero sa karamihan ng nagkomento, kay Pops lang walang reply si Zia. Sa katunayan, sinagot nito ng emojis ang comment ni Martin Nievera, ama ni Robin at ex-husband ni Pops.

Nilinaw naman ni Pops na walang something sa kanila ni Zia.

“I love Zia. She’s such a sweet, nice girl. Napakabait na bata,” ani Pops.

“Baka na-miss-out lang niya yun. But as far as I know, we’re very okay,” dagdag ng singer ukol sa umano’y pandededma ni Zia sa kanyang comment.

“Siyempre, baka naman sa sobrang dami rin ng nag-message, hindi na niya nabasa lahat. So, you know, at the end of the day, things happen for a reason and sometimes they happen for a better reason,” aniya pa.