Piolo mas love mga halaman kaya single pa rin

INAMIN ni Piolo Pascual na naiinggit siya sa mga kaibigan na mayroon nang pamilya.

Sa isang panayam, sinabi ni Papa P. na tuwing nakikita niya ang mga kaibigan na kasama ang kanilang mga asawa’t anak ay nakakaramdam siya ng konting kurot sa puso.

“Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko ‘yung mga halaman. Hindi, joke lang!” aniya.

Pagseseryoso ng aktor: “Hindi ‘yan hinahanap, dumarating na lang ‘yan. I believe in destiny, in something that happens out of fate and divine intervention. I believe in magic, I believe in something electrifying.”

Gayunman, sinabi ni Piolo na nakahiligan niya ang paghahalaman noong kasagsagan ng pandemya at nang manirahan siya sa kanyang beach house sa Batangas.

At sa dami ng naitanim niyang halaman sa loob ng dalawang taon, plano na niyang maging full-time plant seller pagdating ng panahon.

“Feeling ko, ‘yun ang ending ko, magtatayo na ako ng garden sa rami ng halaman ko,” aniya.