Pinoy celebs heartbroken sa pagyao ni Liam Payne

ILANG showbiz personalities ang nagluluksa sa pagkamatay ng dating One Direction member na si Liam Payne na nahulog sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Buenos Aires, Argentina.

“I can’t even put into words how much these boys mean to me and how much they’ve influenced who I am today,” ani Lorin Bektas, anak ni Ruffa Gutierrez.

“Shocked, heartbroken, and devastated hearing about Liam’s passing. I can’t believe this is real,” dugtong niya.

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Francine Diaz ang art card ng obituary ni Liam na nilakipan niya ng tatlong heartbroken emojis.

Nag-aalala naman si Bela Padilla sa naiwang anak ng singer.

“Thinking of Liam’s son right now,” sey ni Bela na ang pinatutungkulan ay ang anak ni Liam sa dating girlfriend na si Cheryl Cole, isa ring popstar 

Malungkot din si Andrea Brillantes na shinare ang tragic news na nilagyan niya ng sad emoji at heartbroken emojis.