Pia no longer a single lady; kasal na kay Jeremy


MARAMING ginulat si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang inanunsyo niya nitong Biyernes na kasal na siya sa kanyang boyfriend and partner na si Jeremy Jauncey.

“Mr. and Mrs. Jauncey,” ani Pia sa caption na dinagdagan niya ng date stamp na “24.3. 2023” o March 24, 2023.

Ikinasal sila ni Jeremy noon pang March 23 sa Seychelles.

Nag-share si Pia ng short clip ng kanilang intimate beach wedding and reception.

Binati and dating Miss Universe ng kapwa niya beauty queen na sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at Miss Universe 2020 Andrea Meza.

Nagpahayag din ng kanyang suporta ang BFF ni Pia na si Pauline Luna-Sotto

Inanunsyo ng couple ang kanilang engagement noong May, 2022. Naging officially on ang dalawa noong 2020.