PINALAGAN ng TV host na Bianca Gonzalez ang fan nina Fyang Smith at JM Ibarra na pinagmumura ang ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.
“Kailangan talaga murahin mo kami? Insultuhin, just because it does not meet your standard? We get a lot of bashing, I understand, but I put my foot down pag sobra na,” ani Bianca sa X/Twitter.
Dagdag ng PBB host, walang masama sa pagbibigay ng opinyon pero huwag sanang lumabis ang mga fans.
“We value fans opinions a lot, pero pag minura na kami, mali na yun. Sana next time, share your thoughts na mas makatao. Iba yung pagpapakatotoo sa pagiging makatao. Parehong importante yun,” chika ni Bianca.
Nag-react ang host sa post ng hindi-pinangalang netizen na ininsulto at minura ang PBB na dahil sa “scripted” na paandar umano ng show ay naba-bash ang kanyang mga iniidolong sina Fyang at JM.