Paulo jojowain o totropahin? No comment – Kim

HINDI kinumpirma pero hindi rin itinanggi ng aktres na si Kim Chiu kung ang ka-love team na si Paulo Avelino ang dahilan kung bakit mabilis itong naka-move on sa hiwalayan nila ni Xian Lim.

Sa isang panayam, inamin ni Kim na naka-move on na siya sa breakup noong isang taon pero hindi naman niya inamin kung si Paulo ang dahilan.

“Uy! Ang bilis niya po talaga,” ang tangi niyang tugon.

Inurirat din ang “It’s Showtime” host kung mas maayos ba ang mga bagay-bagay ngayon kay Paulo kesa sa 11-taon niyang relasyon kay Xian.

“Grabe naman ‘yung things are better. Siguro po na nagkataon lang na okay ‘yung mga nangyayari lately and then ‘yung mga blessings ay dumarating naman na hindi inaasahan. So, parang masaya naman,” paliwanag niya.

Hindi naman sinagot ni Kim ang tanong kung jojowain o “totropahin” niya si Paulo.