KAHIT nasa bakasyon ay abala ay mga Salita ng Diyos ang pinagkakaabalahan ng Kapuso actor na si Paul Salas.
Habang nagtsi-chill sa Caliraya Lake sa Laguna kamakailan ay ang librong “Good Morning Lord…Can We Talk?” ang binabasa niya.
“Spending more time with Jesus is my main goal this 2025,” ani Paul sa kanyang post sa Instagram.
“Prioritize ‘Doing what’s important rather than doing what’s urgent’,” dugtong ng aktor.
Matatandaan na nagpabinyag bilang Kristiyano si Paul noong January 2024.
“Starting my 2024 by surrendering my life to our savior, Jesus Christ,” sabi niya nang magpabinyag siya.