PWEDE nang maggupit at magtayo ng sarili niyang barber shop ang Korean actor na si Park Bo-gum, matapos siyang makapasa sa state exam bilang barbero, ayon sa report nitong Miyerkules.
Nagsisilbi sa kanyang mandatory military service simula pa ng 2020 si Bo-gum, na unang nagpakilig sa maraming Pinoy nang pagbidahan niya ang K-drama na “Reply 1988” at “Love in the Moonlight.”
Kasalukuyang nasa Gyeryongdae military headquarters si Bo-gum at matatapos ang kanyang serbisyo sa Abril.
Lahat ng mga “able-bodied” na mga kalalakihan edad 18 hanggang 28, popular man o hindi, ay kailangan pumasok sa dalawang taong military service.