Paolo Contis di raw inaraw-araw ang Baguio

TODO-TANGGI si Paolo Contis na ilang araw silang magkasama ni Yen Santos sa Baguio City.


Sa text messages na ipinadala niya kay Ogie Diaz, iginiit ni Paolo na isang araw lang naganap ang pagkain nila ni Yen sa dalawang restaurant sa Baguio City at ang pagsimba sa Manaoag, Pangasinan.


“Naloloka na rin ako, mare. Ang sabi nila, 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Paki sabi, gawin na nilang 30 days para happy sila,” chika ni Paolo sa text.


Paliwanag pa niya, Agosto 28 ay nagpabakuna siya sa Caloocan City, habang noong Agosto 30 ay nag-taping siya para sa “Bubble Gang” at noong Setyembre 3 ay nag-taping naman siya para sa “Dear Uge.”


“So ano ‘yun inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio? Ano ‘to road trip every other day?” dagdag ng ex ni LJ Reyes. –A. Mae Rodriguez