Paolo ayaw pag-usapan si Yen

TIKOM ang bibig ni Paolo Contis sa status ng relasyon nila ni Yen Santos, na kamakailan ay binura ang mga photos nila ng aktor sa Instagram bago in-unfollow ang lahat, kabilang ang una.

Nang tanungin ukol sa isyu, “no comment” ang sagot ni Paolo.

“As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” dagdag niya.

Maliban kay Yen, in-unfollow ni Paolo ang lahat sa IG. Hindi rin niya binura ang mga larawan nila ni Yen.

Matatandaan na kinumpirma ni Paolo ang relasyon nila ni Yen noong isang taon.